Sabado, Nobyembre 25, 2017

Limang proseso sa pagpapahaba ng buhok

            Marami sa ating mga Pilipino ang gusto ng mahabang buhok. At ang iba’t ibang estilo (style) ng buhok ay nakapagiiba ng ating kaanyuan. Ngunit sa mga kababaihan lalo na sa medyo bata pa ay nangangarap ng mahabang buhok. Kung ikaw ay nahihirapan na sa kahihintay na pahabain ang iyong buhok , panahon na para tanungin ang sarili kung ano nga ba ang tamang pag-alaga sa iyong buhok upang mabilis itong humaba.

Narito ang ilan sa mga paraang pwede mong gawin para sa mabilis na paghaba ng iyong buhok:

KUMAIN NG MASUSTANSYANG PAGKAIN
Ang pagkaing mayaman sa protina, mga bitamina at mineral ay mahalagang mga sangkap sa mabilis ng paghaba ng buhok. Kumain ng mga mga pagkaing mayaman sa vitamin A,B,C at zinc, magnesium at selenium. Ang vitamin B-complex ay napakahalaga sa pagtubo ng iyong buhok.Kaya huwag mong kalimutan ang pagbili ng gatas,keso,yogurt,karne ng manok,whole grain,salmon,saluyot broccoli,repolyo,ubas,avocado,oatmeal sa susunod na pamimili mo.Uminom ka ng maraming juice na gawa sa prutas at gulay tulad ng orange,ubas karots at lettuce. Umiwas sa kakulangan sa bitamina dahil sa pagkain ng isang particular na pagkain, ito ay maaring makasama sa iyo. Halibawa, ang kakulangan sa vitamin E at zinc ay napatunayang nakakapagpanipis ng buhok.

MASAHIIN ANG ANIT
             Kailangan mo lamang ng isang kutsaritang coconut oil at ipahid sa iyong anit at matapos masahiin. Epektibo ito upang mapabilis ang paghaba ng buhok dahil nakakatulong ito sa maayos na pagdaloy ng dugo sa ating katawan lalo na sa iyong ulo. Ang paggamit naman ng langis ng niyog ay makakatulong sa mabilis na paghaba ng buhok dahil ang langis na ito ay esensyal na mga bitamina  na nakakatulong sa paghaba ng iyong buhok at kadalasang ginagamit na kasangkapan sa paggawa ng hair conditioner.

PAG-TRIM O PAGPUTOL NG BUHOK
           Kabaliktaran naman nito ang ninanais mo, ngunit sadyang nakakatulong ang pagtrim o pagputol ng buhok paminsan minsan. Epektibo itong pampahaba ng  buhok sapagkat ang mga sirang hibla ng buhok katulad ng mga mga split ends ay nakakasira ng kalusugan ng iyong buhok at madalas na dahil ng hair fall o pagkalagas ng buhok. Kapag regular na nagtrim ka ng iyong buhok, napuputol o nawawala ang split ends at mga hiblang nasira na. siguraduhin ring, huwag masyadong maiksi ang pagpaputol sa buhok at huwag masyado, madalas ang pag trim nito. Mabutihin lamang na maalis ang mga damage parts ng buhok.

IWASANG MAGSUKLAYNG MADALAS
         Maraming kababaihan naniniwala na ang pagsusuklay palagi ng buhok ang sikreto upang mabilis itong humaba. Ito ay kasinungalingan sapagkat kung madalas kang magsuklay sa isang araw naiaalis din ang mga natural na langis ng iyong buhok o napupunta sa dulo nito. Ang isa pang epekto ay napuputol ang mga hibla ng buhok kung kaya’t mapapansin mo ay may mga naiiwan na hibla ng buhok sa suklay na iyong ginagamit. Dagdag pa rito,nagiging marupok ang iyong buhok kung kaya’t mainam na huwag itong madalas na suklayin sa tuwing basa pa ang iyong buhok.

ALOE VERA, PAMPAHABA NG BUHOK NG BABAE
             Ang aloe vera ay nakakatulong sa pagtubo ng buhok at pagiwas sa paglagas nito.Nababawasan din nito ang pagkakaroon ng balakubak at nagpapanatili ng kintab ng buhok. Maglagay ng sariwang gulaman ng aloe vera na may kaunting kalamansi sa buhok at hayaan ito sa loob ng 20 minuto. Gawin ito dalwang beses kada lingo. Pwede mo naming paghaluin ang aloe vera at gata sa niyog at ilagay ito sa buhok. Uminom din ng aloe vera juice ng regular.






14 (na) komento:

  1. Ilang beses po sa isang linggo ang pagpahid ng coconut oli po sa hair? Salamat po :)

    TumugonBurahin
  2. Paano humaba Ng mabilis Ang buhok ko

    TumugonBurahin
  3. Ano Ang ilalagay para humaba Ng mabilis Ang buhok ko

    TumugonBurahin
  4. Mahaba na ang aking buhok hanggang pwet pro gusto kohh pang maspahabain IIto pro buhaghag po siya paano ba IIto mapa straight ?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mag consuka ka po suka and conditioner ibabad mu ng 30 minutes sa buhok then maligo ka na po

      Burahin
  5. ilang days kaya eepekto yung sa aloe vera at coconut oil? Answer asap pls

    TumugonBurahin
  6. Pwede din po ba sa lalaki ang mga sinabi mo?

    TumugonBurahin
  7. Paano po gumawa Ng aloe vera juice?

    TumugonBurahin
  8. Pwede po ba maglagay ng niyog na langis bago matulog?

    TumugonBurahin
  9. Pede po ba Ang baby oil sa pag masahe NG ulo ? At Kung pede bang aloevera kahit Yung may halo na Yung mga nabibili lang?


    TumugonBurahin
  10. Copper vs Titanium Curling Iron for 3D Models - Tatiana
    Steel vs Titanium Curling Iron for 3D Models. Find titanium glasses frames your where can i buy titanium trim ideal apple watch titanium vs aluminum texture titanium ring for men for any home. T-shirts, prints, and accessories at mens titanium watches the finest

    TumugonBurahin