Marami sa
ating mga Pilipino ang gusto ng mahabang buhok. At ang iba’t ibang estilo
(style) ng buhok ay nakapagiiba ng ating kaanyuan. Ngunit sa mga kababaihan
lalo na sa medyo bata pa ay nangangarap ng mahabang buhok. Kung ikaw ay
nahihirapan na sa kahihintay na pahabain ang iyong buhok , panahon na para
tanungin ang sarili kung ano nga ba ang tamang pag-alaga sa iyong buhok upang
mabilis itong humaba.
Narito ang ilan sa mga paraang pwede mong gawin para sa
mabilis na paghaba ng iyong buhok:
KUMAIN NG
MASUSTANSYANG PAGKAIN
Ang pagkaing mayaman sa protina, mga bitamina at mineral ay
mahalagang mga sangkap sa mabilis ng paghaba ng buhok. Kumain ng mga mga
pagkaing mayaman sa vitamin A,B,C at zinc, magnesium at selenium. Ang vitamin
B-complex ay napakahalaga sa pagtubo ng iyong buhok.Kaya huwag mong kalimutan
ang pagbili ng gatas,keso,yogurt,karne ng manok,whole grain,salmon,saluyot
broccoli,repolyo,ubas,avocado,oatmeal sa susunod na pamimili mo.Uminom ka ng
maraming juice na gawa sa prutas at gulay tulad ng orange,ubas karots at
lettuce. Umiwas sa kakulangan sa bitamina dahil sa pagkain ng isang particular
na pagkain, ito ay maaring makasama sa iyo. Halibawa, ang kakulangan sa vitamin
E at zinc ay napatunayang nakakapagpanipis ng buhok.
MASAHIIN ANG ANIT
Kailangan
mo lamang ng isang kutsaritang coconut oil at ipahid sa iyong anit at matapos
masahiin. Epektibo ito upang mapabilis ang paghaba ng buhok dahil nakakatulong
ito sa maayos na pagdaloy ng dugo sa ating katawan lalo na sa iyong ulo. Ang
paggamit naman ng langis ng niyog ay makakatulong sa mabilis na paghaba ng
buhok dahil ang langis na ito ay esensyal na mga bitamina na nakakatulong sa paghaba ng iyong buhok at
kadalasang ginagamit na kasangkapan sa paggawa ng hair conditioner.
PAG-TRIM O PAGPUTOL
NG BUHOK
Kabaliktaran naman nito ang ninanais mo, ngunit sadyang nakakatulong ang
pagtrim o pagputol ng buhok paminsan minsan. Epektibo itong pampahaba ng buhok
sapagkat ang mga sirang hibla ng buhok katulad ng mga mga split ends ay
nakakasira ng kalusugan ng iyong buhok at madalas na dahil ng hair fall o
pagkalagas ng buhok. Kapag regular na nagtrim ka ng iyong buhok, napuputol o
nawawala ang split ends at mga hiblang nasira na. siguraduhin ring, huwag
masyadong maiksi ang pagpaputol sa buhok at huwag masyado, madalas ang pag trim
nito. Mabutihin lamang na maalis ang mga damage parts ng buhok.
IWASANG MAGSUKLAYNG
MADALAS
Maraming
kababaihan naniniwala na ang pagsusuklay palagi ng buhok ang sikreto upang
mabilis itong humaba. Ito ay kasinungalingan sapagkat kung madalas kang magsuklay
sa isang araw naiaalis din ang mga natural na langis ng iyong buhok o napupunta
sa dulo nito. Ang isa pang epekto ay napuputol ang mga hibla ng buhok kung
kaya’t mapapansin mo ay may mga naiiwan na hibla ng buhok sa suklay na iyong
ginagamit. Dagdag pa rito,nagiging marupok ang iyong buhok kung kaya’t mainam
na huwag itong madalas na suklayin sa tuwing basa pa ang iyong buhok.
ALOE VERA, PAMPAHABA
NG BUHOK NG BABAE
Ang aloe
vera ay nakakatulong sa pagtubo ng buhok at pagiwas sa paglagas
nito.Nababawasan din nito ang pagkakaroon ng balakubak at nagpapanatili ng
kintab ng buhok. Maglagay ng sariwang gulaman ng aloe vera na may kaunting
kalamansi sa buhok at hayaan ito sa loob ng 20 minuto. Gawin ito dalwang beses
kada lingo. Pwede mo naming paghaluin ang aloe vera at gata sa niyog at ilagay
ito sa buhok. Uminom din ng aloe vera juice ng regular.